Tumblarity

Oo, nung unang panahon may ganto din ako. TUMBLARITY. Kung naalala ko pa, eto ung isa sa mga kamangha-manghang imbensyon dito sa site na to. Kaya nitong pasayahin or asarin ang tao depende kung paano sila magkakaroon o mawawalan ng puntos sa isang araw. Iba pa yung Tumblr Rankings na nasa directory, yung rankings mo eh base sa tumblarity at sa bansa kung saan ka kasama.

Siya nga pala 2 taon na din pala simula nung mawala ito. January 12, 2010 pagkatanda ko. Ewan, di ko alam kung trip kong bumalik yung tumblarity. Daming nababaliw sa RANKINGS eh. hahah.
Ikaw gusto mo pa ba bumalik yung tumblarity?

